Zum Inhalt springen
hymnal.net
hymnal.net
Meine Lieder

Kay Hesus ay dapat kong sabihin

PANANALANGIN SINASABI SA PANGINOON

Tagalog787
1
Kay Hesus ay dapat kong sabihin,
Di na makaya ang pasanin;
Sa pighati ko ako’y tulungan,
Luha ko’y Kanyang pinunasan.
 
Kay Hesus ay dapat kong sabihin,
Di na makaya ang pasanin;
Kay Hesus ay dapat kong sabihin,
Hesus matulungin sa akin.
2
Kay Hesus ay dapat kong sabihin.
Hirap di ko kayang harapin;
Lahat kong bagay Siya nang magpasan,
Upang ako’y may kaaliwan.
3
Kay Hesus ay dapat kong sabihin,
Kakulangan ko’y ’king aminin;
Siya ang tutustos sa ’king kailangan
Ng mayamang katamasahan.
4
Kay Hesus ay dapat kong sabihin,
Panglaw di ko kayang daigin;
Sa ’king gapos ako’y kalagan Niya,
Ako’y mapalaya sa sala.
5
Kay Hesus ay dapat kong sabihin,
Dyablo di ko kayang talunin;
Tukso ng mundo sa ’kin nang-akit,
Hesus ko sa sama daraig.

Kommentar löschen

Diesen Kommentar löschen? Das kann nicht rückgängig gemacht werden.

Joshua

Iloilo City, Iloilo, Philippines

Jun 22, 2026

Ngayon, di ko na kayang pasanin ang kabigatan na Iyong pinatung sa akin. Panginoon ko, ako'y Iyong tulongan.

Weiterlesen