Sa langit umalingawngaw

1
Sa langit umalingawngaw
Mga tinig na banal;
Mga anghel naggagalak
Aleluyang malakas!
2
K'wentong kagila-gilalas,
Sa himno naibigkas;
Diyos Ama ay papurihan
Sa kataas-taasan.
3
Sa lupa payapa'y batid,
Buti mula sa langit;
Mga kalul'wa natubos,
Gintong alpa—tutunog.
4
Si Kristo ay naisilang,
Dakila'y pinahiran,
Ang Itinalaga ng Diyos,
Luwalhatiing lubos.
5
Mga tao! Sambahin Siya
Kilalanin Ngalan Niya;
Ating Saserdote't Hari
Sa Kanya ang papuri.
  6Kapanganakan ni Kristo,
Ating ipatotoo;
Ikalat ang l'walhati Niya,
Punin nito ang lupa.