O tanawing mal'walhati
1
|
O tanawing mal'walhati Ang tao ng pighati; Dala'y tagumpay sa digma, Lahat luluhuran Siya. Putungan Siya! Siya'y nanaig. Putungang Mandaraig. |
2
|
Pinaglaruan ng tao, Putong tinik sa ulo; Nguni't putong ngayo'y glorya, Anghel, banal sumamba. Putungan Siya! Siya'y putungan! Mahal ng Diyos, putungan! |
3
|
Maysala, putungan mo Siya, Samsam ka Niya sa digma; Labis-labis kagalakan, Puso'y Kanyang luklukan. Putungan Siya! Putungan Siya! Putungang Tagab'yaya! |
4
|
O pakinggan ang papuri, Malakas ng pagbunyi; Hesus sa kata's-taasan, Bigay Niya'y kagalakan, Putungan Siya, Siya'y putungan! Siyang kataas-taasan. |
(Isinalin mula sa Intsik) |