Hari ko’y babalik muli

1
Hari ko’y babalik muli,
Langit pinuspos Niya!
Sangnilikha’y mababawi,
Sa kaligtasan Niya!
Ang yapak Niya’y narinig ko
Sa gitna ng ulap;
Kanyang mal’walhating anyo
Sa langit kumislap.
2
Sabik ako sa “parousia,”
Di ako pabaya;
Hinihintay pagbalik Niya,
Anong pagpapala.
Maliban sa pagdating Niya,
At Siya’y makasama,
Bukod sa Kanyang ligaya,
Sa iba’y walang gana.
3
Mata ko’y lagi Siyang tingnan,
Puso ko’y sa langit,
Paksa ng labi ko naman
Ang Kanyang pagsapit.
Malapit nang pumarito,
Nang dahil sa akin;
Tiyak ang Kanyang pangako,
Hindi sinungaling.
4
Hesus, banal Mong Salita,
Di mapagdudahan;
Araw-araw Iyong Salita,
Aking kalakasan.
Nawa’y maaga Kang dumating,
Kaaway puksain;
Pangako’y agad tuparin,
At kami’y Iyong kunin.
5
Bisig Mo ay kanlungan ko,
Tagapagligtas ko!
Ika’y iingat, Ama ko,
Sa nanalig sa Iyo.
Tupa’t pastol kasing-inam,
Ulo’t katawan pa,
Hindi maagaw ninuman
Sa kamay ng Ama.
6
Sanlibong kamay at mata,
Hindi makahadlang;
Mga tinik ay tulong nga
Nang pala’y makamtan.
Puso, espiritu, gising!
Mundo’y pabayaan,
Panginoon ay darating,
Ako’y puputungan.
7
Ika’y Araw ng kagalingan,
Nais ko ang sinag;
Hari ng l’walhati’t, kat’wiran,
Puri sa Iyo’y hayag.
Lumuklok Ka, Panginoon,
Nawa’y ipakita,
Mukha Mo at kaharian,
Lubos na biyaya.
8
Hari ang katotohanan,
Kalayaa’y reyna!
Nguni’t ang kabulaanan
Sa mundo’y nanguna.
Halina, katotohanan!
Dalhin ang liwanag!
Lipulin Mo ang kalaban,
Kunin Iyong mga anak.