Hari ko'y babalik muli
Hari ko'y babalik muli
1
|
Hari ko'y babalik muli, Langit pinuspos Niya! Sangnilikha'y mababawi, Sa kaligtasan Niya! Ang yapak Niya'y narinig ko Sa gitna ng ulap; Kanyang mal'walhating anyo Sa langit kumislap. |
2
|
Sabik ako sa "parousia," Di ako pabaya; Hinihintay pagbalik Niya, Anong pagpapala. Maliban sa pagdating Niya, At Siya'y makasama, Bukod sa Kanyang ligaya, Sa iba'y walang gana. |
3
|
Mata ko'y lagi Siyang tingnan, Puso ko'y sa langit, Paksa ng labi ko naman Ang Kanyang pagsapit. Malapit nang pumarito, Nang dahil sa akin; Tiyak ang Kanyang pangako, Hindi sinungaling. |
4
|
Hesus, banal Mong Salita, Di mapagdudahan; Araw-araw Iyong Salita, Aking kalakasan. Nawa'y maaga Kang dumating, Kaaway puksain; Pangako'y agad tuparin, At kami'y Iyong kunin. |
5
|
Bisig Mo ay kanlungan ko, Tagapagligtas ko! Ika'y iingat, Ama ko, Sa nanalig sa Iyo. Tupa't pastol kasing-inam, Ulo't katawan pa, Hindi maagaw ninuman Sa kamay ng Ama. |
6
|
Sanlibong kamay at mata, Hindi makahadlang; Mga tinik ay tulong nga Nang pala'y makamtan. Puso, espiritu, gising! Mundo'y pabayaan, Panginoon ay darating, Ako'y puputungan. |
7
|
Ika'y Araw ng kagalingan, Nais ko ang sinag; Hari ng l'walhati't, kat'wiran, Puri sa Iyo'y hayag. Lumuklok Ka, Panginoon, Nawa'y ipakita, Mukha Mo at kaharian, Lubos na biyaya. |
8
|
Hari ang katotohanan, Kalayaa'y reyna! Nguni't ang kabulaanan Sa mundo'y nanguna. Halina, katotohanan! Dalhin ang liwanag! Lipulin Mo ang kalaban, Kunin Iyong mga anak. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?