Pakitungo sa Pangino’n
1
|
Pakitungo sa Pangino’n Dapat puso’y tama, Nang matamasa ang yaman Sa loob ng biyaya Niya. |
2
|
Kailangan ang pusong wagas, Malinaw na isip, Nang hangad Niya’y matalastas, Nang may takot, ’nginig. |
3
|
Kailangan pusong maalab, Damdamin ay puspos Ng pag-ibig, sigla, liyab Sa Pangino’n lubos. |
4
|
Kailangan may katapatan, Pusong masunurin; Napasakop kapas’yahan, Layon ng Diyos tupdin. |
5
|
Kailangan di mahatulan, Pusong sa Diyos wasto, Na may budhing nalinisan, Natakpan ng dugo. |
6
|
Bigyan kami gan’tong puso, Nakatuon sa Iyo; Tamasahin Sarili Mo, M’ging kapuspusan Mo. |