Bulayin Siya: Kristo iyong tularan
1
|
Bulayin Siya: Kristo iyong tularan Alamin na ika’y hinawakan; Kabahagi ka sa Kanyang buhay Upang Kanyang wangis iyong isilay. |
2
|
Bulayin Siya: Gawin araw-araw Sa katayugan huwag kang masilaw; Ang walang hanggang buhay kilanlin Kamatayan ni Kristo’y danasin. |
3
|
Bulayin Siya: Buong buhay gawin Mamuhay ka sa loob ng tabing; Kapag itakwil ang iyong sarili, Mapasa iyo layang mal’walhati. |
4
|
Bulayin Siya: Gayon nga buhay mo May kadalisayan, sakripisyo; Gagawa pa ang Diyos sa loob mo, Kristo sa Iyo’y makita ng tao. |
5
|
Bulayin Siya: Sa I-yong takbuhin, Lagi sa mukha Niya nakatingin, Gayon ikaw Kanyang transpormahin; Hanggang wangis ni Kristo’y tamuhin. |