Kawal ka ni Kristo
1
|
Kawal ka ni Kristo, Ika’y namuno, Dati’y nagpalalo, Kaya’t natalo; Kay Kristo umasa, Huwag sa sarili mo, Lahat, iyong magagawa Sa nagpalakas sa iyo. |
2
|
Sa iyong paglilingkod Sa katuwiran, Di ka ba napagod? At nahirapan? Ika’y magtiwala Sa Manliligtas mo, Lahat, iyong magagawa Sa nagpalakas sa iyo. |
3
|
Kung bagot sa daan, ’Tulungan ka Niya, Nagagalak ka man O nagdurusa; Apoy man o baha - Mapanaigan mo, Lahat, iyong magagawa Sa nagpalakas sa iyo. |
4
|
Sa masamang mundo, Kalat ang tukso, Kung tututulan mo, Diyablo’y tatakbo; Wala na siyang bisa Kung ipahayag mo, Lahat, iyong magagawa Sa nagpalakas sa iyo. |
5
|
Ang lakas ni Kristo Hindi masukat, Mag-iingat sa iyo Sa lahat-lahat; Sapat Niyang biyaya Lumulukob sa iyo, Lahat, iyong magagawa Sa nagpalakas sa iyo. |