Malayo sa Diyos, may sala
1
|
Malayo sa Diyos, may sala; Ilaw di makita; Sa Salita Siya’y nakita, Sa ’ki’y nanahan Siya. |
Nasa loob ko, Buhay si Kristo; O! Anong kaligtasan, Sa ’kin Siya’y nanahan. |
|
2
|
Gaya’y silahis ng araw, Nagpapabulaklak; Buhay, ilaw at pagsinta, Kay Kristo nagmula. |
3
|
Katulad ng isang puno, Na nasa ’sang buto; Gayon Kanyang Espiritu, Nasa ’spiritu ko. |
4
|
Umaasam ang puso ko, Na makatulad Mo; At Iyong hiwaga’y munihin, Ika’y nasa akin. |