跳到內容
hymnal.net
hymnal.net
我的詩歌列表

已達下載上限

Ilapit Mo ako, O Diyos, sa Iyo

PAGDARANAS SA DIYOS NAKIKISALAMUHA SA KANYA

Tagalog614
1
Ilapit Mo ako, O Diyos, sa Iyo;
Sukdan ang krus ay papasanin ko,
Aawitin ko pa rin: malapit, Diyos, sa Iyo,
Malapit nga sa Iyo, O Diyos, sa Iyo.
2
Sa paggala, araw ay lumubog,
Inunan ang bato sa pagtulog,
Sa panaginip din: malapit, Diyos, sa Iyo,
Malapit nga sa Iyo, O Diyos, sa Iyo.
3
Kaugnay sa langit yaring hagdan,
Kaloob Mo’y buhat sa kahabagan;
Anghel kumakayag: lumapit, Diyos, sa Iyo,
Malapit nga sa Iyo, O Diyos, sa Iyo.
4
Payapang paggising, puri’y lubos,
Batong inunan ko’y bahay ng Diyos;
Lahat ng dinanas: palapit, Diyos, sa Iyo,
Malapit nga sa Iyo, O Diyos, sa Iyo.

Delete Comment

要刪除此留言嗎?此動作無法復原。