Paano ko Siyang mahalin

C345 CB462 E462 K345 T462
1
Paano ko Siyang mahalin?
Siya’y handugan at lugurin?
Di lumihis sa landas Niya
At makahugpong sa Kanya?
Paano ko Siyang mahalin?
Siya’y handugan at lugurin?
Di lumihis sa landas Niya
At makahugpong sa Kanya?
2
Kahit landas ko’y masukal,
Huwag hayaang ako’y mabuwal,
Gawin akong masunurin,
Tanging sa krus Mo’y tumingin.
Kahit landas ko’y masukal,
Huwag hayaang ako’y mabuwal,
Gawin akong masunurin,
Tanging sa krus Mo’y tumingin.
3
Ako’y paalalahanan,
Ang galak ay Iyong iniwan,
Lungkot, gutom, pagod, uhaw,
Walang lunas, gabi’t araw.
Ako’y paalalahanan,
Ang galak ay Iyong iniwan,
Lungkot, gutom, pagod, uhaw,
Walang lunas, gabi’t araw.
4
Para sa ’kin namatay Ka,
Lugod Mo’y Iyong itinatwa;
Kaginhawahan ng mundo
Di matakwil para sa Iyo?
Para sa ’kin namatay Ka,
Lugod Mo’y Iyong itinatwa;
Kaginhawahan ng mundo
Di matakwil para sa Iyo?
5
Ituring lahat ay lugi,
Ikaw ang makamit lagi,
Lahat sa aki’y sukal nga,
Hinayang ba’ng ibigin Ka?
Ituring lahat ay lugi,
Ikaw ang makamit lagi,
Lahat sa aki’y sukal nga,
Hinayang ba’ng ibigin Ka?