May Isang kusang namatay para sa ’kin
May Isang kusang namatay para sa ’kin
1
|
May Isang kusang namatay para sa ’kin, Upang buhay aking maangkin, Landas tungo sa krus tinahak Niyang kusa, Nang mapatawad aking sala. |
Sala ko’y pinasan, Sala ko’y pinasan, O gaano’ng Kanyang pinasan! Anong lugi’t dusa, Sa krus Siya’y nagpunta! Dinala Niya ro’n aking sala! |
|
2
|
Magiliw Siya’t mapagmahal, matiyaga, Nang puso ko’y nililinis Niya; Walang paghatol na, ako’y malaya na, ’Pagka’t sa krus sala’y dinala. |
3
|
Kakapit ako sa Tagapagligtas ko, Hindi na sa Kanya lalayo - Puso ko’t labi aawit nang masaya, Inalis na lahat kong sala! |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?