跳到內容
hymnal.net
hymnal.net
我的詩歌列表

Ialay lahat kay Kristo

PAGHAHANDOG ISINUSUKO ANG LAHAT SA PANGINOON

Tagalog444
1
Ialay lahat kay Kristo
Ito’y dapat kong gawin,
Dugo Niyang pantubos mismo,
Ang sa aki’y umangkin.
 
Ialay lahat kay Kristo,
Bawa’t araw, oras ko!
Ialay lahat kay Kristo,
Bawa’t araw, oras ko!
2
Ialay lahat kay Kristo,
Naisin ng puso ko,
Pag-ibig Niya ang humipo,
Sa pag-alay kong ito.
3
Ialay lahat kay Kristo,
At pakabanalin Niya:
Kalulwa’t espiritu ko,
At lahat kong taglay pa.
4
Ang kamay ko’y Iyong gamitin,
Susunod ang paa ko,
Ang mata ko’y Iyong akitin,
Labi’y pupuri sa Iyo.
5
Nang nakita ko si Hesus,
Nangupas na ang mundo,
’Sang tingin sa dusa ng krus,
Pasan Niya’y pasanin ko.
6
Luwang, haba, taas, lalim -
Pag-ibig, biyaya Niya,
Pangino’n, Hari’y purihin,
Ang tulad ko’y mahal Niya.

Delete Comment

要刪除此留言嗎?此動作無法復原。

Chris Ingayan

Manila, NCR, Philippines

九月 10, 2009

Lord, we consecrate our all to You. Amen.

閱讀更多