Ako’y Kanya! Anong kagalakan nga

B246 CB433 Cs331 E433 F74 LSM97 P200 R305 S184 T433
1
Ako’y Kanya! Anong kagalakan nga!
Matamis na tugon sa tinig Niya;
“Oo” tugon sa Iyong mga pangako,
“Huwag mangamba, tinubos na kita.”
Ako’y Kanya! Anong kagalakan nga!
Matamis na tugon sa tinig Niya;
“Oo” tugon sa Iyong mga pangako,
“Huwag mangamba, tinubos na kita.”
2
Ako’y Kanya! Deklarasyong masaya!
Masayang araw ay nagunita,
Nobya sa Kanya’y magsabi ng “Oo.”
Panginoo’y pararangalan ko.
Ako’y Kanya! Deklarasyong masaya!
Masayang araw ay nagunita,
Nobya sa Kanya’y magsabi ng “Oo.”
Panginoo’y pararangalan ko.
3
Ako’y Kanya! Nawa ako’y turuan.
Tungkol sa pagsinta’t katapatan;
Banal pag’lingkod, lubos na pagsuko,
Walang hanggang pagsunod sa Iyo.
Ako’y Kanya! Nawa ako’y turuan.
Tungkol sa pagsinta’t katapatan;
Banal pag’lingkod, lubos na pagsuko,
Walang hanggang pagsunod sa Iyo.
4
Ako’y Kanya! Buo kong katauhan,
Espiritu, kalul’wa’t katawan;
Ang Sinta ko, sa ganap Niyang biyaya,
Magpakailanman ay akin nga.
Ako’y Kanya! Buo kong katauhan,
Espiritu, kalul’wa’t katawan;
Ang Sinta ko, sa ganap Niyang biyaya,
Magpakailanman ay akin nga.