Kung ang aking landas
1
|
Kung ang aking landas Sa krus ang punta; Kung daan Iyong pili Hatid ay dusa; Aking ninanais Nitong kapalit, Ang pagsalamuha Na mas matalik. |
2
|
Kung panlupa’y konti, ’Langit dagdagan; ’Spiritu’y pupuri, Puso ma’y saktan. Kung panlupang buklod Nais Mong put’lin, Hayaang tumamis Ugnayan natin. |
3
|
Daan ma’y may lumbay Pasayahin Mo; Maging kasama ko, Sa lupang ito. Di makasarili, Mamuhay ako; Maging ’sang daluyan Ng biyaya Mo. |