Ama kong Diyos kay tapat Mo
1
|
Ama kong Diyos kay tapat Mo At maaasahan; Sangnilikha’y patotoo Ng Iyong katapatan. |
Katapatan Mong kay tatag! Dapat Kang sambahin; Sa langit ito’y natatag, Laging laan sa akin. |
|
2
|
Sa Iyo walang pagbabago Ni pag-iiba man; Noon, ngayon, ay pareho At magpakailanman. |
3
|
Salita Mo’y di makaltas, Tapat na tulad Mo; Langit at lupa’y lilipas, Salita Mo’y buo. |
4
|
Pagtawag at kaloob Mo Di pinagsisihan; Ang biyaya at habag Mo Tulad sa Iyong ngalan. |
5
|
Iyong Salita’t katapatan Aking katibayan, Sampon ng Iyong kaligtasan Buong katiyakan. |
6
|
Kahit Kita’y pagliluhan, Ika’y tapat pa rin; Sarili Mo’y di talikdan, Salita’y tutupdin. |
7
|
Pangakong mapagbiyaya Tutupdin Mong lahat; At aking natatamasa, Kay tamis, kay tapat. |
Bahaghari sa luklukan, Hayag katapatan; Patunay na walang hanggan Sa banal na bayan. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?