Hesus, karilagan
Hesus, karilagan
1
|
Hesus, karilagan, Hari ng kalikasan; Anak ng Diyos, at ng tao, Ika’y minamahal, Ika’y dinarangal, Ika’y l’walhati’t putong ko. |
2
|
Parang ay luntian, Magandang kakahuyan, Tagsibol, Ika’y dinamtan, Higit Kang sariwa, Higit Kang maganda, Pusong hapis nag-awitan. |
3
|
Liwanag ng araw At buwang tumatanglaw Maging bitwi’y magaganda, Nguni’t hinigtan Mo Dalisay silay Mo, Sa lahat natatangi Ka! |
4
|
Pinakamarikit Sa lupa at langit, Nasumpungan sa Iyo, Hesus. Kaibig-ibig Ka, Malapit Kang lubha Tagapagligtas kong Hesus! |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?