Minamahal naming Hesus
Minamahal naming Hesus
1
|
Minamahal naming Hesus, Binhi ng babae ka, Isang birhen ang nagsilang, May taong pangalan pa. Taglay likas na pantao, Ahas niyurakan Mo; Ulo nya’y sinugat sa krus Natupad plano ng Diyos. |
Iyong gloria’y nakita, Sa pantaong ganda, Anong rilag, nahahayag sa pagkatao. |
|
2
|
Sa pagkakatawang-tao, Na may laman at dugo Pinuksa diablo, Satanas, Para sa ating lahat. Hesus, ngalang ibinigay Emmanuel tawag din, Ikaw naging Tagapagligtas, Kaligtasang tunay dala. |
3
|
Ikaw din ang “Huling Adam”, At “Ikalawang tao”, Bagong nilikha ay Ulo, Higit Ka sa nauna. Sa lupa ugali’t buhay Anak ng taong tunay; Sa langit ang kalikasan Tao Ka rin nakita. |
4
|
Sa takdang panahon ng Diyos Ika’y babalik muli, Sa luwalhati ng Ama, Tao pa rin makita Sa trono ng paghahatol Anak ng tao pa rin. Pantao Kang kalikasan Maging magpakailanman. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?