Di sa kasalanan

C104 E122 K104 R90 T122
1
Di sa kasalanan,
Nahatulan;
Lupang kamatayan,
Nilakaran.
Di sa kasalanan,
Nahatulan;
Lupang kamatayan,
Nilakaran.
 
Namahalang dyablo.
Lubos Mong tinalo;
Tao’y di mabihag
Ni mabitag.
Namahalang dyablo.
Lubos Mong tinalo;
Tao’y di mabihag
Ni mabitag.
2
Libinga’y ginapi,
Buhay muli,
Pinagtagumpayan
Kamatayan!
Lumabas tuluyan,
Mula sa libingan,
Ang Hades tinalo
Ng Kristo ko!
Libinga’y ginapi,
Buhay muli,
Pinagtagumpayan
Kamatayan!
Lumabas tuluyan,
Mula sa libingan,
Ang Hades tinalo
Ng Kristo ko!
3
Kay laking tagumpay
Iyong tinaglay,
Lubhang masagana
Ang Iyong glorya.
Sa Iyong pagkamatay,
Libo ang nabuhay.
Bilang Iyong tahanan
Iyong tirahan.
Kay laking tagumpay
Iyong tinaglay,
Lubhang masagana
Ang Iyong glorya.
Sa Iyong pagkamatay,
Libo ang nabuhay.
Bilang Iyong tahanan
Iyong tirahan.
4
Ika’y unang-bunga,
Aming Sinta;
Panganay ng Diyos Ka,
Nangunguna.
Sa lahat higit Ka,
Ang Ulo’y Ikaw nga.
Karapat-dapat Ka,
Sa pagsamba.
Ika’y unang-bunga,
Aming Sinta;
Panganay ng Diyos Ka,
Nangunguna.
Sa lahat higit Ka,
Ang Ulo’y Ikaw nga.
Karapat-dapat Ka,
Sa pagsamba.