Kami’y turuan Mo
1
|
Kami’y turuan Mo, Manalangin ayon sa Iyo. ’Di daang sarili, Araw-araw tawagin kang lagi - Lumago Ka sa ’min. |
2
|
Binhi ng buhay Ka, Sa puso ko pinunla; Ngayon may simula, Ang higit na buhay matamasa - Lumago Ka sa ’min. |
3
|
Kami’y palambutin; Ikaw, pinagmulan namin. Iyong ngala’y tawagin, Lupa’y bungkalin, bato’y alisin - Lumago Ka sa ’min. |
4
|
Kay linaw liwanag, Aming kahinaan hayag; Totoong pahayag Buhay na binhi, sisibol tiyak - Lumago Ka sa ’min. |
5
|
Dukha sa ’spiritu, Kunin nga mga alam ko; Buhay agusan Mo, Upang sa buhay kami’y lumago - Lumago Ka sa ’min. |
6
|
Puso’y dalisayin, Sapagka’t di mas’yahan din, Kung di Mo mapunan Ang isip, damdamin, pasya’t tanan - Lumago Ka sa ’min. |
7
|
Kintalan ’ming puso, Bawa’t araw, ’Ka’y matamo; Ang binhi lumago, Kaharian manatili dito - Lumago Ka sa ’min. |
8
|
Amen!—Sa paglago! Buhay Mo’y di-limitado; Ang tanan mabago. Maga’wa sa pamamagitan Mo. Hesus, lumago Ka, Sa ’mi’y lumago Ka. |