Lumulubog sa sala
Lumulubog sa sala
1
|
Lumulubog sa sala, Sa laot ng dagat, Nadungisan nang lubha, Di makakaangat; Nguni’t ang Panginoon Hibik ko’y dininig, At ako ay inahon Ng pag-ibig! |
Pag-ibig Niya ang nagligtas! Nang sa sala ay lugmok, itinaas! Pag-ibig Niya ang nagligtas! Sa makamundong buhay iniligtas! |
|
2
|
Puso ko’y ibibigay, Sa Kanya tumangan, Magpuri at mamuhay Sa Kanyang harapan. Nararapat purihin Pag-ibig Niyang tapat, Paglilingkod ko’y kunin Lahat-lahat. |
3
|
Kalul’wang nanganganib, Kay Hesus tumingin; Pag-ibig Niya’y sasagip, Tungo sa baybayin. Mga alon sa dagat Susunod sa Kanya; Pagliligtas Niya’y kagyat - ’To’y ngayon na! |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?