Kay Hesus ka manalangin

1
Kay Hesus ka manalangin,
Mukha Niya ay hanapin;
Salita Niya ay iyong dinggin,
Sa lihim Siya’y hintayin.
  Kay Hesus ka manalangin,
Mukha Niya ay hanapin;
Salita Niya ay iyong dinggin,
Sa lihim Siya’y hintayin.
2
Kay Hesus ka manalangin,
Sa mukha’t pusong bukas;
Lagi sa Kanya tumingin,
Tapat, tunay, at wagas.
3
Kay Hesus ka manalangin,
Manalig sa paghanap;
Ang Espiritu’y hipuin,
Mapitagan, masikap.
4
Kay Hesus ka manalangin,
Tunay’t sa espiritu,
Alinsunod sa damdamin,
Ayon sa espiritu.
5
Kay Hesus ka manalangin,
Taimtim kang makinig;
Layon Niya sa iyo itanim,
Tupdin mo Kanyang ibig.
6
Kay Hesus ka manalangin,
Magbabad sa liwanag;
L’walhati Niya’y palagusin,
Sa iyo Siya’y maaninag.