Kay hiwaga, Pangino’n

1
Kay hiwaga, Pangino’n,
Espiritu Mo’y sa ’kin,
Kamangha-mangha ngayon,
Dalawa’y pag-isahin.
2
Ayon sa espiritu,
Espiritwal lumakad;
Maglingkod sa ’spiritu,
Sumamba sa Iyo lahat.
3
Salita Mo’y basahin,
At tuwing manalangin,
Espiritu’y hipuin,
At ako’y palakasin.
4
Espiritung malakas,
Bubuhayin ang iba;
Espiritung maningas,
Palayain ang iba.
5
T’wing ako’y magsalita,
Espiritu’y kumilos,
Kahit anong paggawa,
Espiritu’y mapuspos.
6
Pag gumawa’y ’spiritu,
Mabubuksan ang iba;
Pag kumilos ’spiritu,
Maaahon ang iba.
7
Panginoon dinggin Mo,
Espiritu ’ko’y hipan,
Yayaman ang ’spiritu
Lakas ay maragdagan.