Pangino’n mananahimik ako
1
|
Pangino’n mananahimik ako, Sa panloob makadulog sa Iyo; Man’langing di ayon sa daan ko Dalangin Mo’y maging dalangin ko. |
2
|
Tila sa langit nakikinig Ka, Nguni’t sa loob ko nakatira; Tila ako ang nananalangin, Nguni’t mula sa Iyo ang dalangin. |
3
|
Kung minsan walang masabi ako, Susunod sa hibik ng ’spiritu; Di ako sa labas ang humingi, Ikaw sa ’king loob ang nagsabi. |
4
|
Panginoon Kita’y lalanghapin, Kainin, inumi’t tamasahin; Nang ako’y makasalamuha Mo Sa akin, Ikaw maihayag ko. |
5
|
Silayan ako ng liwanag Mo, Linisin, hugasan ng Iyong dugo; Di lamang ako maliwanagan, Bagkus malinaw Iyong kahayagan. |
6
|
Dito ako’y Iyong pinapahiran, Upang Iyong Sarili’y maragdagan; Elemento Mo’y dumami lalo, Nang Ika’y higit maihayag ko. |
7
|
Bukas ako sa Iyo, pumasok Ka Bukas din sa iba, umagos Ka; Salamuha sa tubig ng buhay Kahayagan Mo’y lubos at tunay. |