Pangino’n mananahimik ako

1
Pangino’n mananahimik ako,
Sa panloob makadulog sa Iyo;
Man’langing di ayon sa daan ko
Dalangin Mo’y maging dalangin ko.
2
Tila sa langit nakikinig Ka,
Nguni’t sa loob ko nakatira;
Tila ako ang nananalangin,
Nguni’t mula sa Iyo ang dalangin.
3
Kung minsan walang masabi ako,
Susunod sa hibik ng ’spiritu;
Di ako sa labas ang humingi,
Ikaw sa ’king loob ang nagsabi.
4
Panginoon Kita’y lalanghapin,
Kainin, inumi’t tamasahin;
Nang ako’y makasalamuha Mo
Sa akin, Ikaw maihayag ko.
5
Silayan ako ng liwanag Mo,
Linisin, hugasan ng Iyong dugo;
Di lamang ako maliwanagan,
Bagkus malinaw Iyong kahayagan.
6
Dito ako’y Iyong pinapahiran,
Upang Iyong Sarili’y maragdagan;
Elemento Mo’y dumami lalo,
Nang Ika’y higit maihayag ko.
7
Bukas ako sa Iyo, pumasok Ka
Bukas din sa iba, umagos Ka;
Salamuha sa tubig ng buhay
Kahayagan Mo’y lubos at tunay.