Panalangi’y tunay na insenso
1
|
Panalangi’y tunay na insenso, Sa Diyos mula sa basag na tao; Pinal’yab ng Espiritu Santo, Hinatid ng pananalig sa Diyos. |
2
|
Panalangi’y espesia ng b’yaya, May pananalig, pag-ibig, dusa Nakubli sa mabangong salita Langhapin ng Diyos, Siya’y mapahanga. |
3
|
Panalangin ay singaw ng tubig, Pumailanglang upang bumalik; Bilang ulan upang mabuhusan, Lahat ng disyertong natuyuan. |
4
|
Panalangi’y tila telepono, Ang langit at lupa’y magkatagpo; At sa pandinig ng ating Ama, Maibubuhos pasani’t dusa. |
5
|
Panalangi’y tila telegrapo, Pinailanlang pananaing ko; Puso ng Diyos matagpua’t dalhin Tugon sa panalig, pag-ibig din. |
6
|
Panalangi’y ginintuang tubo, Pinunan ng langis ng ’Spiritu; Nang nagkakaisa sa dalangin, ’Spiritu, tayo’y kapupunuin. |
7
|
Panalangi’y pinakamalakas, Kapangyarihang hindi mabigkas; ’Pagkat ito’y dinamita ng Diyos, Dakilang kamay napapakilos. |
8
|
Turuan Mo akong manalangin, Nang buong tao ko’y pakilusin; Mahayag nang Kristong nasa lo’b ko, Nanalangin sa langit na Kristo. |
9
|
Turuan Mo kaming manalangin, Kalooban Mo’y ihayag sa amin; Diyos sa loob ko’t Diyos sa langit nga, Nagtutugunan sa salamuha. |