Hangarin kong mamuhay
1
|
Hangarin kong mamuhay, Sa kabanal-banalan; B’yayang trono’y hipuin, Tubig Niya’y padaluyin. |
2
|
Ang kabanal-banalan, Nasa ’king espiritu; Pangino’n nananahan, Do’n Siya matatagpuan. |
3
|
Sa ’spiritu’y babalik, Siya’y aking matagpuan; Ito’y kahanga-hanga! Kumpletong nasa lo’b Siya. |
4
|
Samyo ng Kristong buhay, Sa loob ko nataglay. Sa ’spiritu magdasal, Kristo aking matanghal. |
5
|
Kristong nasa ’spiritu, Hipuin nang matamo; Lahat Niyang kayamanan, Ako’y mapupuspusan. |
6
|
Malalim na paghipo, Siya’y mararanasan ko; Kautusan ng buhay, Pagpapahid mataglay. |
7
|
Higit na hinihipo, Higit na tumitimo; Ang malalim na Kristo, Ang mannang nakatago. |
8
|
Pagkabuhay-na-muli, Karanasan kong tunay; Umusbong sangang tuyo, Pagtanggap Niya’y matanto. |
9
|
Trono ng biyaya Mo, Natagpuan ko rito; Agos ng tubig-buhay, Mula sa trono’y taglay. |
10
|
Nananalangin tayo, Napalaya’t nahalo; Sa ’ting mga ’spiritu, Saserdote nga tayo. |
11
|
Sa kabanal-banalan, Panginoo’y mahipo; Trono ng biyaya Niya, Lubusang matamasa. |