Noon puso ko’y malungkot
1
|
Noon puso ko’y malungkot, Dilim nagpalibot; Ngayon Kristo’y nagpasaya, Puso ko natuwa! |
Kristo ngayon nagpasaya, Wala nang iba pa; Pag-ibig, galak at buhay; Kristo ang nagbigay. |
|
2
|
Natikman panlupang lasa, Uhaw di mawala; Mapasa ’kin man ang mundo, Walang s’ya puso ko. |
3
|
Noon pagpala nais ko, Di hangad si Kristo; Kahit binale-wala Siya, Ako’y hinanap Niya. |
4
|
Tubig sa sisidlang basag, Inuma’t mabagbag, ’Pagkat tumagas, nawala, Uhaw ko’y kinutya. |
5
|
Pagpapala ay nawala, Ni di naisip Ka; Nang buksan Mo aking mata, ’Batid Iyong pagsinta. |