Nang di makitang ganda Niya

1
Nang di makitang ganda Niya,
Buhay bagot, walang lasa;
Magandang ibon, bulaklak,
Pawang naglaho ang rilag.
Di maliwanag ang araw,
Mga bukirin mapanglaw;
Nang sa Kanya’y ’galak ako,
B’wang Disyembre tila Mayo.
2
Ngalang pinakamasamyo,
Tinig pinakamatamis;
Presensya Niya’y kaaliwan,
Nagbigay ng kaluguran.
Kung ganito Siyang katalik,
Walang ibang gusto’t hilig;
Walang singgalak kong tao,
Buong taon tagsibol ko!
3
Mapagmasdan lang mukha Niya,
Tamis aking nadarama;
Anuman ang pangyayari,
Layon ko’y mananatili.
Madama lang pag-ibig Niya,
Palasyo ay laruan na;
Piitan naging palasyo,
Basta’t kasama si Kristo.
4
Panginoon kung ako’y Iyo,
Kung Ika’y awit, araw ko,
Bakit lupaypay, mahina?
Bakit taglamig mahaba?
Alisin ulap madilim,
I-yong presensya’y bawiin;
O kunin akong pataas,
Wala nang dilim ni ulap.