O Panginoon pagkaganda
1
|
O Panginoon pagkaganda, Ngalan Mo sa lupa; Bawa’t bayan, lipi’t wika, Itanghal halaga. Mula sa bibig ng sanggol, Itinatag puri; Upang Iyong patahimikin, Kaaway tapusin. |
2
|
Nang sansinukob pagmasdan Hayag karunungan; Araw, buwan, mga bituin, Pawang gawa Mo rin. Ano ba ang tao sa Iyo’t Mal’sakit Mo’y husto? Ang Tao’y Iyong binisita Sa Iyong ekonom’ya. |
3
|
Hesus, Panginoon ’Ka’y Tao, Sa ’min nakihalo. Ibinihis Mo ang laman, May kapakumbabaan. Ngayon Ika’y pinutungan Ng kal’walhatian. Ngayon din sa Iyong Katawan, Lahat pinagharian. |
4
|
Pagi’ng tao Mo’t pagbangon, Pagkapanginoon, Pagkaulo’t kaharian, Nakita Katawan. Kada hakbang ng gawain Puri’y natatag din. Puso nami’y umaapaw, Tinig alingawngaw. |
5
|
Araw yaon ay malapit Lahat ay aawit; Sa mga ekklesia lokal, May tikim na banal. O Panginoon anong ganda, Iyong ngalan sa lupa! Bawa’t bayan, lipi’t wika, Itanghal halaga. |