Ilog at puno sa Eden

B297 C384 CB509 E509 F92 G509 K384 P245 R359 S224 T509
1
Ilog at puno sa Eden,
Bagay na kapansin-pansin,
Tao’y bigyan ng inumin,
Saganang pagkain.
Ilog at puno sa Eden,
Bagay na kapansin-pansin,
Tao’y bigyan ng inumin,
Saganang pagkain.
 
Diyos sa Kristo’y ating pagkain,
Kristo’y Espiritung nagtustos;
Kung lagi kong tatamasahin,
Makamtan kong lubos.
Diyos sa Kristo’y ating pagkain,
Kristo’y Espiritung nagtustos;
Kung lagi kong tatamasahin,
Makamtan kong lubos.
2
Puno ng buhay si Kristo
Bilang pagkain ng tao,
Yaman ng Diyos matamasa,
Masiyahan nga siya.
Puno ng buhay si Kristo
Bilang pagkain ng tao,
Yaman ng Diyos matamasa,
Masiyahan nga siya.
3
Espiritu ang siyang ilog,
Tao sa Diyos ay mabusog,
Sa tustos na espiritwal,
Tao’y maging banal.
Espiritu ang siyang ilog,
Tao sa Diyos ay mabusog,
Sa tustos na espiritwal,
Tao’y maging banal.
4
Si Kristo ang aking buhay,
Espiritu sa ’kin tunay,
Diyos sa aki’y nakihalo,
Mal’walhating anyo.
Si Kristo ang aking buhay,
Espiritu sa ’kin tunay,
Diyos sa aki’y nakihalo,
Mal’walhating anyo.
5
Parangalan ko si Kristo,
Sundin ko ang Espiritu,
Luwalhatiin ko ang Diyos,
Sa biyayang lubos.
Parangalan ko si Kristo,
Sundin ko ang Espiritu,
Luwalhatiin ko ang Diyos,
Sa biyayang lubos.