Pinakakahul’gan ng biyaya -
1
|
Pinakakahul’gan ng biyaya - Diyos sa Anak ating matamasa; Hindi anumang bagay na tangi, Kundi Diyos Mismo aking bahagi. |
2
|
Nagkatawang-tao ang Diyos Mismo Nang Siya’y matanggap ng mga tao; Ang biyayang ipinagkaloob Ay si Kristong nasa aking loob. |
3
|
Sukal lahat kay Apostol Pablo, Kanyang biyaya’y tanging si Kristo, Nang dahil dito siya ay nagpagal Higit sa lahat ng mga banal. |
4
|
Si Kristo sa aki’y kalakasan, Biyayang sapat, maaasahan, Nagpalakas sa espiritu ko, Kalooban ng Diyos ay mabuo. |
5
|
Ang biyaya ay buhay na Kristo, Tagapag-alaga at lahat ko; Ang biyaya’y nais kong tantuin, Hihigit pa ang tatamasahin. |