Tatlong bahagi ang tao
Tatlong bahagi ang tao
1
|
Tatlong bahagi ang tao, Katawan, kal’lwa’t ’spiritu, Diyos tutupdin Kanyang plano, Pamana Niya ay matanto. |
2
|
Nasa labas ang katawan, May pakiramdam sa mundo, Tao’y nahayag sa laman, Bagay materyal mahipo. |
3
|
Nasa loob ang kalulwa, Sarili niya’y makilala, Bagay pansikolohiya, Tao’y makauunawa. |
4
|
Malalim ang espiritu, Sa loob, Diyos ay matanto, Diyos ay matanggap ng tao, Bagay ’spiritwal mahipo. |
5
|
Isip, pasiya, at damdamin Ang bahagi ng kalulwa; Sa tao’y mga tungkulin, Nang maganap kanyang gawa. |
6
|
Bahagi ng espiritu: Budhi, andam, salamuha, Kaugnay niya ang Diyos dito, Diyos matanggap at masamba. |
7
|
Kalulwa dapat sanayin Lahat ng sa Diyos piliin, Sa espiritu, tanggapin, Sa katawan, Diyos dangalin. |
8
|
Muling-pagsilang, ’spiritu May buhay ng Diyos, dibino; Kalulwa dapat mabago, Katawa’y tulad kay Kristo. |
9
|
Dahil sa gawang dibino, Bawa’t bahagi ng tao, Sa Pangino’n nakihalo Diyos inihayag nang buo. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?