Diyos, pag-ibig, bahagi rin
1
|
Diyos, pag-ibig, bahagi rin, Lahat Ka sa akin; Sa langit wala nang iba, Gayundin sa lupa, Gayundin sa lupa. |
2
|
Sa langit ay hungkag lahat, Lupa’y lalong salat; Walang kasiyahang lubos, Walang tulad sa Diyos, Walang tulad sa Diyos. |
3
|
Ika’y aking buhay, yaman, Tiyak kong tahanan; Salamat sa ibang bagay, Nguni’t di Diyos tunay, Nguni’t di Diyos tunay. |
4
|
Kayamana’y laruan din Kung sa Iyo ihambing; Kanilang inaasahan, Pawang panlilinlang, Pawang panlilinlang. |
5
|
Sukdan lupa’y maging akin, At mga bituin; Panginoon, kung wala Ka, Ako’y abang-aba, Ako’y abang-aba. |
6
|
Hayaan ang mga tao, Kabigin ang gusto; Nguni’t Ikaw ang ibig ko, Maging presensiya Mo, Maging presensiya Mo. |