Hesus, mabuhay sa akin

B232 C304 CB403 D403 E403 G403 K304 LSM91 R286 S177 T403
1
Hesus, mabuhay sa akin,
Ikaw ang aking buhay,
Sa lahat kong suliranin
Kasagutan Kang tunay.
Hesus, mabuhay sa akin,
Ikaw laging masunod,
Sisidlan akong gamitin,
Ihayag ang Iyong lugod.
Hesus, mabuhay sa akin,
Ikaw ang aking buhay,
Sa lahat kong suliranin
Kasagutan Kang tunay.
Hesus, mabuhay sa akin,
Ikaw laging masunod,
Sisidlan akong gamitin,
Ihayag ang Iyong lugod.
2
Inialay na ang templo,
Inalis ang karumhan,
Nawa ay pagliyabin Mo
Apoy ng kalangitan.
Magpitagan buong mundo,
Sa aking paghahain
Bilang aliping maamo
Tanging utos Mo’y sundin.
Inialay na ang templo,
Inalis ang karumhan,
Nawa ay pagliyabin Mo
Apoy ng kalangitan.
Magpitagan buong mundo,
Sa aking paghahain
Bilang aliping maamo
Tanging utos Mo’y sundin.
3
Supilin Mo’ng katawan ko,
Sa Iyong utos maghintay,
Handang dalhin pamatok Mo
O mapawalang-saysay.
Walang kaba sa paghabol,
Walang pigapit, takot
Kung magdusa, walang tutol,
Nais Kang bigyang-lugod.
Supilin Mo’ng katawan ko,
Sa Iyong utos maghintay,
Handang dalhin pamatok Mo
O mapawalang-saysay.
Walang kaba sa paghabol,
Walang pigapit, takot
Kung magdusa, walang tutol,
Nais Kang bigyang-lugod.
4
Mahinahon at maamo,
Walang pagkiling, hilig,
Ako ay tagasunod Mo,
Gawin Mo ang Iyong ibig.
Hesus, mabuhay sa akin,
Ikaw ang aking buhay,
Sa lahat kong suliranin
Kasagutan Kang tunay.
Mahinahon at maamo,
Walang pagkiling, hilig,
Ako ay tagasunod Mo,
Gawin Mo ang Iyong ibig.
Hesus, mabuhay sa akin,
Ikaw ang aking buhay,
Sa lahat kong suliranin
Kasagutan Kang tunay.