Panginoon, sa hapag Mo
1
|
Panginoon, sa hapag Mo, Pasalamat ko’y taos; Sa tinapay at sa saro, Pagtatamasa’y lubos. Ang sagisag na tinapay Katawan Mong in’alay; Sa dugong Iyong pinadaloy, Saro ang nagsasaysay. |
O, banal na dulang! Saro at tinapay; Ang kahuluga’y kay yaman, Hindi masaysay! |
|
2
|
Sa kamatayang nagtubos Buhay Mo’y naibigay, Sarili Mo’y ibinuhos Nang lahat Mo’y mataglay. Sa tinapay at sa saro Kamatayan tinanghal, Kumain, uminom sa Iyo Alaala Ka, Mahal. |
O, banal na dulang! Saro at tinapay; Ang kahuluga’y kay yaman, Hindi masaysay! |
|
3
|
Ang tinapay sinagisag, Katawan Mong mistika; Lahat ng Iyong mga sangkap, Buklod nagkakaisa. Sa saro ng pagpapala, Ating pinagpapala; Dugo Mo’y may salamuha, Sa nanampalataya. |
O, banal na dulang! Saro at tinapay; Ang kahuluga’y kay yaman, Hindi masaysay! |
|
4
|
Ikaw ang aming bahagi, Kay tamis nang matikman; Sa Iyo’y naghihintay kami, Maging sa kaharian. Pagdating Mo Iyong kasama, Mandaraig na banal; Sa Iyo muli magpipista, At sa Iyo pakakasal. |
O, banal na dulang! Saro at tinapay; Ang kahuluga’y kay yaman, Hindi masaysay! |