Sinasamba naming Ama
Sinasamba naming Ama
1
|
Sinasamba naming Ama, Kami sa Iyo’y umawit. Kay banal Mo at kay tayog, Pagsamba Iyong makamit. |
2
|
Puso Mo, Ama’y pag-ibig, Kat’wiran ang gawa Mo; Iyong kalikasan ay banal, Ikaw ang bahagi ko. |
3
|
Sa dugong mahal ni Hesus, Ako’y Iyong pinabanal, At sa Iyong katotohanan, Nabukod akong sakdal. |
4
|
Sa Iyong Espiritu Santo, Napabanal nga kami; Sa espiritu, kalulwa, At katawan nang lagi. |
5
|
Sa Iyong biyaya’y nakamit: Buhay banal ni Kristo. Kaya sa Iyong kabanalan, Makabahagi ako. |
6
|
Sa banal na Herusalem, Kabanalan ko’y puspos. Walang hanggan kong pahayag, Kabanalan Mo’y lubos. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?