O Hesus, Hesus mahal ko
1
|
O Hesus, Hesus mahal ko Ako’y patawarin Mo, Araw-araw ay makalibo, Nasasambit ang Ngalan Mo. Hesus ako’y Iyong samahan; Ako’y Iyo maging anuman; Ang ngiti Mo’y gantimpala; Hesus mahal Kita. |
2
|
Mahal Kita, di-mapigil Damdami’y di masiil; Ang pag-ibig Mo’y umaalab Sa puso ko’y tumatalab. |
3
|
Lahat-lahat Ka sa akin; Karangalan, yaman din; Nasa ng puso, kalakasan, Walang hanggang kalusugan. |
4
|
Magningas Ka sa puso ko, Gabi’t araw, Irog ko. Hanggang sa matupok ang yagit Ng makalupang pag-ibig. |
5
|
Liwanag sa kadiliman, Buhay ng langit nand’yan; Hesus mahal ko, aking yaman, Ga’nong Iyong kahalagahan! |
6
|
Anong hanggana’t pagtiis? Pag-ibig ubod tamis? Panginoon higit Ka ngayon Marilag kaysa kahapon. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?