Di Kita lubos malanghap
1
|
Di Kita lubos malanghap, Simoy ng pag-ibig; Anong bangong halimuyak! Ika’y Alhenang bulaklak, Lunas makalangit, Lunas makalangit. |
2
|
Di kita lubos matingnan, Anong karilagan! Puso ko napaligaya, Nang namasdan sa Iyong mukha, Ang Iyong kagandahan, Ang Iyong kagandahan. |
3
|
Di Kita mapaglingkuran, Hesus, nang lubusan! Hindi ko nais lumaya, Kundi paglingkuran Kita, Hanggang katapusan, Hanggang katapusan. |
4
|
Di Kita lubos maawit, Pangalang kay tamis, Isang himig na malambing, Sa puso ko nanggagaling, Ang ligayang labis, Ang ligayang labis. |
5
|
Di Kita lubos masambit, Magiliw Kang labis, Ang puso Mo’y pumipintig, Ako sa Iyo’y napalapit, Kay inam! kay tamis! Kay inam! kay tamis! |
Ang Alhena ay halamang pinahahalagahan sa kanyang mahalimuyak na dilaw at puting bulaklak. (Awit ng mga Awit 1:14) |
1
Caloocan City, Metro Manila, Philippines
Di Kita mapaglingkuran,
Hesus, nang lubusan!
Hindi ko nais lumaya,
Kundi paglingkuran Kita,
Hanggang katapusan,
Hanggang katapusan.