跳到内容
hymnal.net
hymnal.net
我的诗歌列表

已达下载上限

Di Kita lubos malanghap

PAPURI SA PANGINOON SA KANYANG KAGANDAHAN

Tagalog172
1
Di Kita lubos malanghap,
Simoy ng pag-ibig;
Anong bangong halimuyak!
Ika'y Alhenang bulaklak,
Lunas makalangit,
Lunas makalangit.
2
Di kita lubos matingnan,
Anong karilagan!
Puso ko napaligaya,
Nang namasdan sa Iyong mukha,
Ang Iyong kagandahan,
Ang Iyong kagandahan.
3
Di Kita mapaglingkuran,
Hesus, nang lubusan!
Hindi ko nais lumaya,
Kundi paglingkuran Kita,
Hanggang katapusan,
Hanggang katapusan.
4
Di Kita lubos maawit,
Pangalang kay tamis,
Isang himig na malambing,
Sa puso ko nanggagaling,
Ang ligayang labis,
Ang ligayang labis.
5
Di Kita lubos masambit,
Magiliw Kang labis,
Ang puso Mo'y pumipintig,
Ako sa Iyo'y napalapit,
Kay inam! kay tamis!
Kay inam! kay tamis!

Delete Comment

要删除此留言吗?此动作无法复原。

Rose Manongsong

Puer To Galera, Mindoro, Philippines

三月 9, 2026

Amen

阅读更多
Hannah G

Caloocan City, Metro Manila, Philippines

十二月 12, 2021

Di Kita mapaglingkuran,
Hesus, nang lubusan!
Hindi ko nais lumaya,
Kundi paglingkuran Kita,
Hanggang katapusan,
Hanggang katapusan.

阅读更多