Sa walang hanggang lumipas
Sa walang hanggang lumipas
1
|
Sa walang hanggang lumipas, Diyos eternal naglayon; Aabot sa hinaharap, Walang hanggang panahon. Sa panaho’y may hakbangin, Nang mai-sakatuparan; Dito tayo’y manlalakbay, Hantunga’y kaw’lang-hanggan. |
2
|
Nais ng Diyos ng ’sang grupo Nakoordinang tao, Mai-tayo ayon sa plano, Sisidlang bagong tao. Papasok ang Diyos sa kanya, Dala’y kalikasan Niya; Espiritu sa ’spiritu, Anong galak at tuwa! |
3
|
Gawa ng Diyos: tatlong panig Para sa Kanyang plano. ’Binigay Sarili Mismo, Ama, Anak, ’Spiritu. Langit, lupa’y par’ sa plano, Handa na sangnilikha; Taong may tatlong bahagi, D’hil sa plano’y nilikha. |
4
|
Ang espiritu ng tao, Sentro ng plano ng Diyos; Tawagin ngalan ni Hesus, Ka-isa natin Siyang lubos. Sa gitna tungong palibot, Puspusin ng Diyos ito; Isip, damdami’t kapas’yahan, Transpormahin nang husto. |
5
|
Tayo’y sa buhay nai-tayo, Sa pag-ibig nagkai-sa; Tinupad Ni-ya ang plano, Na Siya ring nagsimula. Iyong Sarili dagdagan mo, Sa lo’b ng bawa’t tao; Upang kami’y maitayong Sisidlang sama-sama. |
6
|
Bilang ang kinalabasan, Ekklesia’y sa l’walhati; Kapuspusan ng layunin, Walang hanggang lunggati. Sama-sama ngang sisidlan, L’walhati Niya’y ilaman; Pangino’n kami’y lubusang Par’ sa Iyong inaasam. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?