Sa espiritu’t ekklesia

1
Sa espiritu’t ekklesia
Tadhana natin makita
Mas malalim, mas malawak
Kaysa noon sa nakita.
2
Hindi payak na doktrina,
Kundi si Kristong nakita.
Lampas sa ‘ting lakas, isip
Kay manghang Siya’y ibahagi.
3
Mayaman, walang hangganan,
Di-masukat, mahiwaga,
Kay gilalas kailangan tayo
Maging tagapagmana Niya.
4
Diyos nagplano at naglikha
Maraming bagay nagawa,
Anak ngayon Tagapagmana
Halaga ng Diyos - nangasiwa.
5
Sa ekonomiya ng Diyos,
Maraming anak di isa,
Diyos Anak na Panganay
Kasama’y maraming buháy.
6
Kristo’t tayo’y magmamana
Sa lahat ng bagay ng Diyos
Lumago’t gumulang ngayon
Legal tayong magmamana.
7
Sansinukob mamanahin
Kasamang Anak Panganay
Sa malawak na samahan
Kasama’y  Kristo’t ekklesia.
8
Sa espiritu’t ekklesia
Nakita tanging pagtawag.
Di langit ating tadhana
Kundi maghari sa lupa.
9
Mahirap man maghahari,
Mamanahin kaharian,
Lupa, trono ng Diyos, bagay
Lahat ng Ama at taglay.