Salaysay ng biyaya
1
|
Salaysay ng biyaya, Nakahihipo nga; Pahayag may l’walhati, Sa mukha’y naakit. Nang larawang may ningning, Aking pagmunihin; Puso ko’y may ligaya, Napuno’ng pagsamba! |
2
|
Pagkatao’y Iyong angkin, Pagka-Diyos gayundin. Pag-ibig at damdamin, Ng Diyos at tao rin; Ika’y may kahayagan Sa buhay, kamatayan; Taong mapagkumbaba, Diyos ng langit, lupa. |
3
|
Mal’walhating liwanag, O mukhang may sinag Sa biyayang Iyong gawa, Ako’y matransporma. Magiging Iyong kagaya, Makikita ng mata, Sa Iyo, Anak ng Tao, Mukha ng Diyos Mismo. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?