Wala nang dambana
1
|
Wala nang dambana, Dugo at hain pa; Walang usok, walang apoy. Wala nang panaghoy. Maharlikang dugo dumaloy na, Dungis hinuhugasan, pinatawad sala. |
2
|
Salamat Diyos Ama, Sa dugo ng Anak. Kami’y naging mga matuwid, Pagtubos nakamit, Naligtas sa Hades, sala’t dilim. Buhay na walang hanggang napasaamin. |
3
|
Salamat Diyos Ama, Sa I-yong biyaya; Lawak ng di-makatwiran, Nilagom lubusan. Pinupuri namin Iyong pagsinta, L’walhati’t lakas mapasa Iyo, Siya nawa. |
4
|
Salamat Diyos Ama. Sa putong na glorya Nananatili ang ganda, Hindi malalanta. Gaya ng trono di nasisira, Dapat sa Iyo pa rin ang mga putong nga. |
(Ang Tagalog ay isinalin mula sa Intsik) |