Tinawag “Hesus” Iyong ngalan

B65 C64 CB68 E68 G68 K64 R53 T68
1
Tinawag “Hesus” Iyong ngalan,
Kamangha-manghang ngalan;
Nang sa tao’y nakatulad,
Birhen sa Iyo’y nanganak.
Jehovah-Manliligtas Ka
Kami’y ’ligtas sa sala;
Tagapagligtas tanggapin
Dibinong buhay akin.
Tinawag “Hesus” Iyong ngalan,
Kamangha-manghang ngalan;
Nang sa tao’y nakatulad,
Birhen sa Iyo’y nanganak.
Jehovah-Manliligtas Ka
Kami’y ’ligtas sa sala;
Tagapagligtas tanggapin
Dibinong buhay akin.
2
Para sa Iyong ministeryo,
Tinawag Ka ring “Kristo”
Pinahirang Isa ng Diyos,
Naitalagang lubos.
Ika’y Mesiyas ng Diyos na,
Tinakda ng pagsinta.
L’walhati Niya’y mahayag rin,
Upang layon Niya’y tupdin.
Para sa Iyong ministeryo,
Tinawag Ka ring “Kristo”
Pinahirang Isa ng Diyos,
Naitalagang lubos.
Ika’y Mesiyas ng Diyos na,
Tinakda ng pagsinta.
L’walhati Niya’y mahayag rin,
Upang layon Niya’y tupdin.
3
Diyos Kang kasama ng tao,
Sa ngalan “Emmanuel” Mo;
Di mawalay Diyos at tao,
Sa biyaya’y naghalo.
May b’yaya’t katotohanan,
Diyos nahayag sa laman
Sa Iyo, nakita’t nakamtan,
L’walhati ng Diyos’t yaman.
Diyos Kang kasama ng tao,
Sa ngalan “Emmanuel” Mo;
Di mawalay Diyos at tao,
Sa biyaya’y naghalo.
May b’yaya’t katotohanan,
Diyos nahayag sa laman
Sa Iyo, nakita’t nakamtan,
L’walhati ng Diyos’t yaman.
4
Pangino’ng mahal, kay yaman,
Ng matamis Mong ngalan;
Hahawakan sa pagsinta,
Ngalan Mong mahalaga.
Sa Iyo’y pag-ibig pagsamba,
Manliligtas na Sinta;
Mal’walhating Kristo namin,
Emmanuel ri’y purihin.
Pangino’ng mahal, kay yaman,
Ng matamis Mong ngalan;
Hahawakan sa pagsinta,
Ngalan Mong mahalaga.
Sa Iyo’y pag-ibig pagsamba,
Manliligtas na Sinta;
Mal’walhating Kristo namin,
Emmanuel ri’y purihin.