Skip to content
hymnal.net
hymnal.net
My Songs

Download limit reached

Ang ngalang Hesus, kay tamis

PAPURI SA PANGINOON SA KANYANG PANGALAN

Tagalog67
1
Ang ngalang Hesus, kay tamis,
Himig nito’y aking nais,
Puso ay pinaligaya
Ng ngalang mahalaga.
 
Hesus, ngalang kay tamis,
Hesus, walang kaparis,
Hesus, itanyag natin,
Nararapat purihin.
2
Ang ngalang Hesus, mahal ko,
Kanyang talos ang hapis ko;
Pangamba’y Kanyang tinapos,
Mahal ko, ngalang Hesus.
 
Hesus, ngalang kay tamis,
Hesus, walang kaparis,
Hesus, itanyag natin,
Nararapat purihin.
3
Laging marinig, nais ko,
Hesus, aliw ng puso ko,
Pinahid Niya aking luha,
Ngalang Hesus, dakila!
 
Hesus, ngalang kay tamis,
Hesus, walang kaparis,
Hesus, itanyag natin,
Nararapat purihin.
4
Walang wikang makasabi
Ang tamis sa puso’t labi
Ng ngalang dapat purihin,
Ngalang Hesus, purihin!
 
Hesus, ngalang kay tamis,
Hesus, walang kaparis,
Hesus, itanyag natin,
Nararapat purihin.

Delete Comment

Delete this comment? This cannot be undone.