Sa kataas-taasang sakdal

1
Sa kataas-taasang sakdal,
Ang pinakabanal,
Sa Kanyang tiyak na daan,
Siya ay papurihan!
2
Nang lahat ay nasa sala
Bilang huling Adam Siya,
Nagbaka, tao’y natubos
O, karunungan ng Diyos!
3
Pag-ibig kay dunong ng Diyos!
Adam nga’y natisod;
Nguni’t nakipagbaka Siya
Nang tao’y makamtan Niya.
4
Higit sa kalo’b na b’yaya,
Diyos na nagpakita;
Presensiya ng Diyos, Siya Mismo
Nasubukang tao.
5
O Pag-ibig na mayaman,
Sa tao’y nanahan;
Para sa tao’y namatay,
Pinatay kaaway.
6
Lihim, tumangis sa hardin,
Hayag sa krus ’bitin;
Kapatid maturuan Niya,
Paanong magdusa.
7
O Panginoong Diyos-tao,
Sa mga gawa Mo,
Marami’t kamangha-mangha,
Aming purihin Ka!