Sa loob ng tabing, pumasok ka
1
|
Sa loob ng tabing, pumasok ka At sa kampamento, lumabas ka; Kung sa Pinakabanal mas’yahan, Ang mundo’y kusa mong tatalikdan. |
2
|
Sa loob ng tabing, pumasok ka, At sa kampamento, lumabas ka; Kung sumilay l’walhati sa puso, Paano pa mabihag ng mundo? |
3
|
Ang maluwalhating Kristo’y masdan, Mapagpakumbabang Kristo’y sundan; Kung trono’t putong bumihag sa iyo, Sabsaban at krus haharapin mo. |
4
|
Kapangyarihan ng buhay kamtin, Landas ng krus siya nating tahakin; Kung mukha Niya sa langit mamasdan, Bakas ni Kristo sa lupa’y sundan. |
5
|
Sa taba ng langit magtamasa, Tiisin kahirapan sa lupa; Kahit pagsubok dulot ay dusa, May galak din dahil kasama Ka. |
6
|
Tamasahin ang yaman ni Kristo, Tustusan ang kailangan ng tao; Kung buhay ng langit ma’hayag Mo, Pagpala’y mabahagi sa tao. |
7
|
Sa loob ng tabing pumasok ka, Hanggang langit lupa’y magkaisa; Ika’y lumabas ng kampamento, Hanggang magkaisa Diyos at tao. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?