Ilog at puno sa Eden
1
|
Ilog at puno sa Eden, Bagay na kapansin-pansin, Tao’y bigyan ng inumin, Saganang pagkain. |
Diyos sa Kristo’y ating pagkain, Kristo’y Espiritung nagtustos; Kung lagi kong tatamasahin, Makamtan kong lubos. |
|
2
|
Puno ng buhay si Kristo Bilang pagkain ng tao, Yaman ng Diyos matamasa, Masiyahan nga siya. |
3
|
Espiritu ang siyang ilog, Tao sa Diyos ay mabusog, Sa tustos na espiritwal, Tao’y maging banal. |
4
|
Si Kristo ang aking buhay, Espiritu sa ’kin tunay, Diyos sa aki’y nakihalo, Mal’walhating anyo. |
5
|
Parangalan ko si Kristo, Sundin ko ang Espiritu, Luwalhatiin ko ang Diyos, Sa biyayang lubos. |