Pag-ibig na humihigit

B210 C274 CB358 E358 K274 R262 T358
1
Pag-ibig na humihigit,
Sa lupa mula langit;
Nananahan sa ’king dibdib,
Premyo ng ’king panalig.
Pangino’n ang kahabagan,
Pagsintang walang hanggan,
Dala Mo ang kaligtasan,
Sa puso ko tumahan.
Pag-ibig na humihigit,
Sa lupa mula langit;
Nananahan sa ’king dibdib,
Premyo ng ’king panalig.
Pangino’n ang kahabagan,
Pagsintang walang hanggan,
Dala Mo ang kaligtasan,
Sa puso ko tumahan.
2
Pangino’n, hingahan ako,
Ng Banal Mong ’Spiritu;
Nang mabahagi yaman Mo,
Tamasa Iyong pangako.
Alisin nasa sa sala,
Nang ako’y mapalaya,
Makilala Kitang lubos,
Bilang buhay, panustos.
Pangino’n, hingahan ako,
Ng Banal Mong ’Spiritu;
Nang mabahagi yaman Mo,
Tamasa Iyong pangako.
Alisin nasa sa sala,
Nang ako’y mapalaya,
Makilala Kitang lubos,
Bilang buhay, panustos.
3
Makapangyarihang Isa,
Bigyan akong sagana
Ng buhay Mo at presens’ya,
Sa templo Mo tumira.
Ngalan Mo papurihan ko,
Paglingkod mapasa Iyo,
Walang patid na dalangin,
Ikaw Mismo purihin.
Makapangyarihang Isa,
Bigyan akong sagana
Ng buhay Mo at presens’ya,
Sa templo Mo tumira.
Ngalan Mo papurihan ko,
Paglingkod mapasa Iyo,
Walang patid na dalangin,
Ikaw Mismo purihin.
4
Bagong nilikha’y yariin,
Puro’t walang dungis din;
Kaligtasan natamasa,
Sa Iyo mapapagaya.
Binabago, natransporma,
Glorya dagdag sa glorya,
Hanggang sa kal’walhatian,
Ikaw ay papurihan.
Bagong nilikha’y yariin,
Puro’t walang dungis din;
Kaligtasan natamasa,
Sa Iyo mapapagaya.
Binabago, natransporma,
Glorya dagdag sa glorya,
Hanggang sa kal’walhatian,
Ikaw ay papurihan.